Saturday, November 29th, 2008
|
|
by:OTIHC ABLAB
Matagal kong inilihim
Noon pa sa likod ng dilim
Dinala mong liwanag
Sa buhay kong nababasag
Pinilit mo kong sabihin
Nakalakip na pagtingin
Hindi ko inaasahan
Mga sagot sa katanungan
Naging kilos ang nararamdaman
Pinakita sa’yo ng lubusan
Napagod na’t lahat
Tuloy pa rin ang banat
Alam kong walang pupuntahan
sa kalsadang nilalakaran
Ang nais ko lang ay ang iyong palad
Nawa’y sa aking braso’y tumambad
Tanong ko’y walang sagot
Hanggang kailan mamamaluktot?
Sa destinasyon pa ba ang pakay?
Oh, baka wala na akong hinihintay
Sa ngiti mo’y wala na akong lumbay
Maghintay man ako ng nakahandusay
Alam kong hindi ako,alam kong ayaw mo
Tanggap ko na, anuman ang mangyari
Wala sa’yo ang salitang “TAYO” |
Posted in Uncategorized | No Comments »