paglalakbay

    " PAGLALAKBAY"    

    Binagtas natin ang dagat    

        sa iisang bangka……

          maalon man

     Ang paglalakbay,

      naging mabuti

    ang Diyos sa atin

Pinunan nya nang isda

        ang lambat

ng ating mga puso.

  At sa lahat ng

pinagdaanan, naging

mas matalik tayong

    "Magkaibigan"

Ngayong narating na natin

      ang wakas,

Maging ang pamamaalam

    ay isang basbas

Wag kang mag-alala

oh kaya’y mangamba.

  pagkat sa likod

nang bawat paglisan,

  ay ang pangako

nang muling pagkikita

            at

Panibagong paglalakbay..

                     

One Response to “paglalakbay”

  1. best friend Says:

    Nice!!
    Kaw po ba may gawa niyan?

    Anyway, lam mo, I realized one thing, parang di pa yan nangyari sa akin, at tila nakakalungkot.

    Indi sa walang nangyaring ganun, kundi dahil wala pa akong nakasamang maglakbay sa buhay ko ng ganun ka intimate, sayang!

Leave a Reply