Archive for August, 2007

paglalakbay

Saturday, August 25th, 2007

    " PAGLALAKBAY"    

    Binagtas natin ang dagat    

        sa iisang bangka……

          maalon man

     Ang paglalakbay,

      naging mabuti

    ang Diyos sa atin

Pinunan nya nang isda

        ang lambat

ng ating mga puso.

  At sa lahat ng

pinagdaanan, naging

mas matalik tayong

    "Magkaibigan"

Ngayong narating na natin

      ang wakas,

Maging ang pamamaalam

    ay isang basbas

Wag kang mag-alala

oh kaya’y mangamba.

  pagkat sa likod

nang bawat paglisan,

  ay ang pangako

nang muling pagkikita

            at

Panibagong paglalakbay..

                     

“KAYLAN”

Wednesday, August 8th, 2007
KAYLAN
by:chito balba
Tuwing maiisip,kahapong nagdaan,
Ang lahat ng pasakit,na aming naranasan,
Hindi maiwasang,malungkot malumbay,
Pagpatak ng luha,hindi mapigilan.
Pito kaming magkakapatid,ako ang pangalawa,
Lumaki sa hirap,ang aming pamilya,
Salat man sa yaman,kami ay masaya,
Basta sama-sama,kami sa tuwina.
Ngunit may pagsubok,dumating sa’mimg buhay,
Pagsubok na nagpabago,ng aming kapalaran,
Sa tindi ng lungkot,aming naranasan,
Pagsubok na dumating,hindi makayanan.
Ang mahal naming ina,sa mundo ay pumanaw,
Kaming mga anak niya,maagang naiwan,
Paano ang bukas,saming daratal?
Paano ba ang mabuhay,ng wala si nanay.?
Ginawa kong lahat,aking makakaya,
Upang matulungan,mahal na pamilya,
Di ikinakahiyang,ako’y naglabada,
Nang may dagdag baon,doon sa esk’wela.
Di ko sinasabing,pabaya si itay,
Pagkat aking batid,hirap n’yang pinasan,
Nais kong kahit pano,siya’y matulungan,
Kaya  ginawa ko,ang makakayanan.
Alang-alang sa pamilya,ako ay nagpasya,
Upang makatulong,sa ibang baya’y nagpunta,
Ngayon ay narito,sa bansang Korea,
Nagtitiis sa hirap,kapiling luha’t dusa.
Kahit nangulila,sa pamilyang mahal,
Kinayang mapalayo,upang sila’y bigyan,
Tangi kong hangad,sila’y maalayan,
Magandang bukas,saganang pamumuhay.
Sa tulong at awa,ng Poong Maykapal,
Unti-unting naabot,pangarap na asam,
Mahal na pamilya,aking natulungan,
Nasuportahan sila,sa pangangailangan.
Akala ko noon,alala’y natapos,
Pagkat kami ngayon,di naghihikahos,
Ngunit sa pagdating,ng isang pagsubok,
Bakit ba pasakit,ay hindi maubos?
Kami ay masaya na,sa aming pamumuhay,
Unti-unting natanggap,wala na si inay,
Ngunit aming ama,kami ay sinaktan,
Nang mag uwi ng babaeng,kanyang ibinahay.
Kami ay nagulat,at sadyang nabigla,
Hindi napigilan,ang muling pagluha,
Sa aking trabaho,tuwina’y tulala.
Bakit nga ba itay,ito ay nagawa?
Hindi pa ba sapat,kami para sa’yo?
Pag-ibig kay inay,tunay bang naglaho?
Ngunit anong magagawa,kahit di namin gusto?
Sino kami na pipigil,sa kaligayahan mo?
Minsan gusto ko nang,tanungin ang langit,
Bakit kadalasan,tadhana’y kaylupit?
Kaylan matatapos,ang mga pasakit?
Kaylan magniningning,ang aming paligid?